INTRO VERSE:
Isang ngiti mo lang, at ako'y natutunaw
parang bula, problema'y nawawala
ang tamis ng yong halik, yakap mo na mahigpit
sana nga ay makamit, ng 'di ko mabanggit.
VERSE 1:
'Di na magpapaikot pa ang awitin na ito
at tuluyang mahahayag ang damdamin ko sa'yo
na para bang hindi na kayang bumitaw
na para bang hindi na kayang bumitaw
1ST CHORUS:
Kumapit ka kaya, at wag kang bibigay
sa awitin kong ito, ikaw ay sumabay
dahil sa ating mundo, ikaw ay babagay
pangako ko ito, ako man ay mamatay
VERSE 2:
Hindi mo pa ata gets oo, mahal na mahal kita
at yayakap nalang sayo hanggang matapos ang kanta
na para bang hindi na kayang bumitaw
na para bang hindi na kayang bumitaw
2ND CHORUS:
Kumapit ka kaya, at wag kang bibigay
sa awitin kong ito, ikaw ay sumabay
dahil sa ating mundo, ikaw ay babagay
ipangako mo ito, magpakailanman
OUTRO VERSE:
Isang ngiti mo lang, at ako'y natutunaw
parang bula, problema'y nawawala
ang tamis ng yong halik, yakap mo na mahigpit
sana nga ay makamit, ang lahat ng nabanggit.
No comments:
Post a Comment